myshortymemory
what i write is what i think and what i believe in. i will never write a lie, nor a fabricated "truth".
Sabado, Abril 27, 2013
The 3 kinds of LOVE.
4:35 am at naka-repeat si Christina Perry sa p.c. ko. Hindi ko naman talaga bonggang-bonggang gusto yung kanta niyang "A Thousand Years" pero magmula ng marinig ko yun sa kasal ng pamangkin ko (I'm older by blood, GUILTY!) eh ewan ko ba at parang tinatamaan ako ng sobra (at kung minsan nga ay masakit) sa pag-iisip sa kung ano nga ba talaga ang PAG_IBIG. Syet, Oo pag-ibig na naman. Sandamakmak na ang mga kanta, movies, nobela, tula at blog tungkol diyan, pero minsan kahit alam na naman natin ang ibig sabihin ay sadyang napakahirap i esplika. Minsan alam mong nagmamahal ka, ng bf/gf/nanay/tatay o ng kung sino pa mang mahal mo sa buhay pero nakakaramdam ka ng kirot. O kaya minsan naman para kang naka-lagok ng ecstacy sa sobrang pagka-high sa pag-ibig. Balik tayo sa kasal ng pamangkin ko; sabi nung Pari sa kasal nila, may 3 Uri daw ng pagmamahal. Aba'y akalain mi yun?! 3 uri? Eh akala natin iisa lang 'di ba? Basta sinabing mahal mo ok na 'di ba? Sabi ni Father (Sorry po, nakalimutan ko po pangalan niyo.) may 3 uri nga daw ng pagmamahal. Ang una ay
Eros: Pangalan pa lang erotic na ang dating! taray! Well actually siya nga ang root word ng salitang Erotic. And ang sabi sa Wiki sa description ng Eros ay " is passionate love, with sensual desire and longing" pero hindi naman daw ibig sabihin porke eros na ang level ng love mo eh may something sexual na kaagad. Kadalasan ang tawag sa kanya ay "Selfish Love" kasi nga ang goal lang nito ay makuha ang gusto niya. "I love you KASI . . . . ." yan ang dialogue ng mga taong nagmamahal ng ganito.
Phillia: Sabi nga ni Father, ito yung give and take na relationship, and pwede mag apply sa mag-asawa, magkaibigan, o sa kahit na sino na may relasyon na pareho nag-be benefit at nagbibigay. Ito daw yung general type of love, sabi nga ni Wiki. Pero kahot gaano kaganda ang pagmamahal na ito ay nanlalamig din. Kumbaga nandyan lang siya kapag may napapala pa ang isa't isa. Kapag wala nang pakialam ang isa, kadalasan ang ending: bye bye na!
Agape: True Love, wala nang mas gaganda pang deskripsyon para rito. Hindi lang mahal kita kasi at mahal kita dahil ang maririnig sa kanya.
"MAHAL KITA KAHIT NA"
Siya yung pagmamahal na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Yung tipong pahirapan at limited edition lang ang dating kasi ito yung pagmamahal na hindi naipipilit. At kahit na bumitaw pa ang taong minamahal ng taong Agape ang pagmamahal ay hindi pa rin siya bibitaw. "Mahal niya nga kasi kahit. . . ."
Napakasarap magmahal at mahalin. At minsan kahit pakiramdam natin hindi na dapat mahalin ang tao ay nagagawa parin nating magmahal. Bakit? Kasi totoo ito, kasi ito yung pagmamahal na tumatagos sa lahat ng pagsubok. Ito yung pagmamahal na pinapangarap ng lahat. Kasi sa pagmamahal na ito, gumwapo o gumanda ka man, pumangit ka o maghirap, tubuan ka man ng pigsa sa mukha, mamahalin ka pa rin ng taong nagmamahal sa 'yo ng totoo.
(Hindi po ako propesyonal para sabihin alam ko lahat ng tungkol sa pag-ibig, pero kung nagmamahal po kayo ngayon, o minamahal kayo, ng kahit na anong uri ng pagmamahal na nasabi sa itaas; namnamin niyo po at pagkaingatan.)
Biyernes, Hunyo 29, 2012
ikalawang glorya: mayroon pa ba?
Nakakatawa, kung ano yung bagay na iniiwasan mo, madalas, yun pa ang sitwasyon kung saan ka dinadala ng tadhana. Tadhana? Bakit tadhana? Haller? Maiiwasan ko ba na ikasal yung mga taong malalapit sa akin? Sa nauna kong blog, (Allergic ako sa weddings!) ay sinulat ko kung papaano ko hindi nagawang pumunta sa kasal ng dalawa kong kaibigan na talaga namang close sa akin. And up to now, guilty ako sa hindi pagdalo sa kanilang special day. Eto ngayon, nagpasama sakin ang mom ko maghanap ng gown, kinuha kasi siya na "ninang" sa nalalapit na kasal ng isang kapitbahay. So lakad kami, sa gitna ng mga pagka-ganda gandang wedding gowns, nahagip na naman ako ng time warp. oha. Kamusta naman, sa sitwasyon ko, (separada) malabo na talagang makakita ng lalakeng seseryoso at magmamahal sa akin ng tunay. Okay na sana eh, nananaginip na ako ng gising (sa imagination ko may flowers pa ko sa hair!) nang bigla kong naalala ang buhay ng lola ko. Si Lola Imang ay 33 years old lamang nung nabiyuda ng kanyang asawa. Naiwan sa kanya ang 7 maliliit pang mga anak. Si Amelia 13, Soledad 11, Adolfo 9, Rodolfo 5, Reynaldo 3, Aurora 1, at ang bunsong si Feliciano Jr. na nasa tiyan palang ni Lola nung namatay si lolo. Si Lola Imang ay nagtratrabaho noon bilang isang Modista para suportahan ang kanyang pamilya kung saan siya lang ang kumikita. Buntis at biyuda, hindi ko ma-imagine ang pinagdaanan noon ng aking lola. Buong pagmamalaki na ikinukwento sa akin noong bata pa ako na hindi humingi ng tulong si Lola Imang sa kahit kaninong kamag-anak. Kahit gutom na gutom na ang mga tito at tita ko noong mga bata pa sila ay hindi raw sila kumakain hanggang hindi pa dumadating si Lola na may dalang pagkain. Hindi nila magawang manghingi sa kapitbahay o kamag-anak dahil ang bilin sa kanila ng aking Lola ay huwag mang-aabala ng ibang tao. Bata pa naman si Lola noon at hindi maiiwasan na may magkagusto pa. May mga nanligaw pa kay Lola pero hindi niya magawang sagutin ni isa sa mga ito. Dahilan niya: "Maaaring hindi nila matanggap ng buo ang mga anak ko.." at "Naging maligaya na ako sa asawa ko, baka sa susunod ay hindi ikalawang glorya ang maranasan ko kundi ikalawang dusa.." May punto si Lola, mahirap nga naman sumugal sa isang relasyong hindi lamang siya ang damay kundi pati ang kanyang 7 maliliit na mga anak. Itinuon niya ang kanyang oras sa pagtatrabaho at pagpapalaki sa kanyang mga anak. Hindi naman nabigo si Lola, napalaki niya ang mga anak niya sa marangal na paraan at hindi naghihintay ng tulong mula sa iba. At lalong kinilala ang kanyang kadakilaan bilang isang Ina noong pinarangalan siya ng Siyudad ng Maynila bilang isang "Ulirang Ina". Hindi birong maging isang ina at lalong hindi biro maging solong magulang.
Allergic ako sa Weddings! :/
Naunang ikinasal si Nek nung February, hindi ako nakapunta. Sumunod si Yan, hindi rin ako nakapunta. Masasabi bang selfish ako sa hindi pagpunta sa kasal ng mga kaibigan ko? Gayung alam naman nila na may pinagdadaanan ako?
Oo nga pala, eto yung brief background lang ng pinagdadaanan ko; nalaman ko na halos 2 taon na akong niloloko ng asawa ko habang all the while pinagtatanggol ko siya sa pamilya ko (hindi kasi siya nakakauwi dahil sa probinsiya naka-destino). Anyway, bongga talaga yung emotional trauma na naranasan ko. At humantong nga yon sa paghihiwalay naming mag-asawa. Siyempre pa, hindi biro yung sakit na naramdaman ko; haller? ultimate betrayal yun, akalain mo ba naman na kakuntsaba niya pa mga kamag-anak niya!
Heto na balik na tayo sa topic. Siyempre gusto ko makitang masaya yung mga kaibigan ko sa araw ng kasal nila pero kamusta naman yung mararamdaman ko nun? Nawala na yung paniniwala ko sa happy ending at destiny, tipong bitter-bitteran ako sa kasal kung sakali man na nagpunta ako. Pangarap ko maikasal sa simbahan, (sino ba namang babae ang may ayaw nun? sa huwes kasi kami ikinasal ni ex) pero mukhang malabo na dahil may kamahalan ang magpa-annul ng kasal sa Pinas. At mas mahirap makatagpo ng lalaking tatanggap sa isang babaeng nagkaroon na ng asawa. So good luck talaga sakin ‘di ba?Hanggang ngayon, aaminin ko may 1 porsiyento pa rin sa pagkatao ko na umaasang maikakasal pa ako sa isang lalaking handang magmahal ng tapat at kaya akong tanggapin kahit mayroon na akong nakaraan. Pero mas matimbang pa rin ang sigaw ng kasalukuyang panahon na nagsasabing wala nang karapatang lumigaya ang isang taong tulad ko. Oo, niloko ako, nasaktan, pero hindi ba ang ending naman madalas eh ako pa rin ang huhusgahan ng mga tao? Na kesyo maaaring nagkulang ako kaya nagawa sa’kin ng hinayupak kong asawa yun. Pero hindi rin ba nila naisip na posibleng isa siyang taong walang kuntento sa ibinibigay sa kanya? Na ibinigay ko na pati kaluluwa ko pero hindi niya pinahalagahan
So eto, iniisip ko pa rin, tama ba na magkaroon ako ngallergy sa weddings?
AN OPEN LETTER TO OFW PARENTS
I have always been jealous of other girls who can say proudly without batting an eyelash that she is a daddy’s girl. And so far, in my 26 years of existence, in every memorable moment of my life, “daddy” wasn’t there.
No, my dad didn’t leave my mom for another woman. We are a family, mom and daughter here, dad, elsewhere. So you see, my dad is just like any other responsible father who just wants to provide a better futurefor his family that’s why he left the country. Growing up, I was well provided with material things; I got what I wanted, needed, even things that I never thought that I wanted, I got them. But daddy’s search for the better future changed my family more than it should. He was like Persephone, he was only allowed to be with us for two months, and then off he goes. Just like everyone that has loved onesabroad, I developed a love and hate relationship with the airport.
You must be thinking that I love my father less than my mother. No, I love them both unconditionally that I’d gladly take a bullet. But all those years of being away has made us a stranger to each other. And ever since I could remember, I have tried to reach out to him and every time I do, I got hurt. I know it was unintentional; it was the price to pay for a dream of a better future. He never got to know me, and I never got to know him. We have been robbed of what should be our time together. I never got the chance to be the charming daughter for him, and he never got the chance to be my hero. I remember quietly going up to my room, crying, praying after a verbal spat between him and me that next year, it will all be different, that I will be the perfect daughter any father will be proud to have, and he will be the father that I always needed. But sadly, we never get to talk about our feelings and how we really mean to each other.
Yes, we sit down for the occasional father and daughter drinks, (yes, I tried hard to be the son he never had) but other than that, we don’t talk. We just avoid arguments to avoid further hurting each other. So dear OFW moms and dads, do yourselves and your children a favour. Despite the distance, make them feel loved, exert the extra effort to show that you care and love them. And that you are proud of every victory, big or small that they were able to accomplish. I know it’s hard to work abroad but let me tell you that it will all be worth it if after 10 or 20 years you will reap the harvest and have the best relationship with your kids. I hope I was able to share how much a daughter can miss much about not having her father around. After writing this, I don’t know. I guess I’ll make another move, after all, Christmas isn’t over yet, and who knows, my dad might say the magic words that I’ve been waiting for. Happy Christmas everyone!
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)
